800 scholars ni Legarda handa nang sumabak sa trabaho

MAHIGIT sa 800 indibiduwal ang nakatakdang isabak bilang call center agents at barista matapos na sumailalim sa libreng dalawang linggong training o pagsasanay sa TRI-LINK school sa Quezon City.

Ang nasabing nagsipagtapos ay piling scholars ni Sen. Loren Legarda sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ikinatuwa ng mambabatas na maraming indibiduwal ang nabigyan ng oportunidad na sumailalim sa pagsasanay para makapagsimula ng kabuhayan na makatutulong sa kani-kanilang pamilya.

Aniya, layunin ng kaniyang programa ang maiangat ang buhay at kabuhayan ng  bawat Pilipino lalo na sa panahon ngayong nahaharap sa kabi-kabilang krisis ang bansa.

Karamihan aniya sa mga nagsipagtapos ay hindi pormal na nakapag-kolehiyo dahil sa kakapusan ng pera.  Sa pamamagitan aniya ng short courses na ito, malaki ang tsansa na maitaas ang uri ng kabuhayan, kumita agad ng pera at posibleng makapagtrabaho sa abroad.

Ang graduation ceremony ay isinagawa Ichikawa Hall of the Occupational Safety and Health Center sa Diliman, Quezon City na dinaluhan nina TESDA Director General Joel Villanueva, Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte.

Kabilang sa mga  nagsipagtapos ay mula sa mga barangay ng Quezon City tulad ng  Barangay Bagabag, Sauyo, Talipapa, Greater Lagro, Sta Monica, Batasan Hills, Socorro, Apolonio Samson, Masambong, Holy Spirit, Balon Bato at Gulod.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply