9 tomboy sugatan sa rambol

SIYAM na tomboy ang nasugatan matapos makipagbakbakan sa kapwa nila mga tibo sa harapan ng isang KTV bar sa Taft Avenue Malate, Manila kaninang madaling-araw.

Dahil dito, agad naghain ng reklamo sa Manila Police District-Womens and Children Concerned Division (MPD-WCCD), sina Rose Ann Siriban, 21; Sharmaine Ruth Garingo, 23; Mylene Lacorda, 24, Janine Jalocon, 26; Pauline Buencamino, 23;  Riza Asenda, 25; Clarissa Cusanel, Hansel Eusebio, Joebeth Hernandez  at  Lovely Muyot.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng rambol sa mismong harapan ng  Chairwood KTV bar, sa  Taft Avenue, Malate.

Nabatid sa salaysay ng isa sa tomboy na nasaktan sa rambol na kasama nila ang isang tibo na maganda, kaya lapitin ito ng mga babae.

Dahil sa selosan sa pagsama ng magandng tibo sa kanilang grupo ay dumagsa ang iba pang tibo sa bar at nagsimula ang kaguluhan.

Halos 20 tibo umano ang sumugod sa siyam na kabaro, kaya pawang nagkaroon ng sugat ang mga biktima. Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply