90 military officials lumusot sa CA

PORMAL nang kinumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang 90 matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap nang panukalang baguhin ang sistema ng pagsusuri sa kuwalipikasyon ng kandidato sa militar.

Pasado ala-una nang hapon nitong Miyerkules, Marso 9, kinumpirma at inaprubahan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kumpirmasyon ng promosyon ng 90 heneral at colonel ng AFP.

Inihayag naman ni Sen. Franklin Drilon sa harap ng mga nakumpirmang opisyal na iwasan ang katiwalian o sumawsaw sa korapsiyon sa AFP tulad nang nabulgar na payola, pasalubong at pabaon system.

“Hindi lamang opisyal ng AFP ang nasasangkot sa katiwalian sa military kundi nasangkot din dito ang ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Commission on Audit na mismong naging kakuntsaba ng mga tiwaling opisyal at ng Office of the Ombudsman,” giit ni Drilon.

Nanawagan din si Drilon na baguhin ang sistemang ipinaiiral ng CA sa pagsusuri ng kuwalipikasyon ng partikular na opisyal na dadaan sa kumpirmasyon ng komisyon upang hindi na muling magkamali sa paghirang ng naging magnanakaw sa AFP. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply