Aarestuhing suspek, nakipagpalitan ng putok sa pulis, comatose

ISANG pusakal na kriminal ang nasa kritikal na kalagayan ngayon sa pagamutan matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis habang ang una ay nakatakdang arestuhin kahapon sa Malvar St., Caloocan City.

Ang suspek na nakaratay at agaw-buhay ngayon sa Manila Central University Hospital, sanhi ng mga tinamo nitong punglo ng baril, ay nakilalang si Ismael Callo, ng Zapote, kanto ng Malvar St., Bagong Bario ng nasabing lungsod.

Ayon kay Chief Insp. Crisencio Viray Galvez, Sub-station 1 commander, ganap na ala-1:15 kahapon nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Nabatid na si Callo ay patong-patong ang mga kinasasangkutang kaso sa paglabag sa Section 16, Republic Act 8425; robbery, hold-up, extortion at drug pushing at matagal na pagtatago sa batas.

Makaraang lumutang ang suspek sa kanilang lugar na agad namang ipinarating sa tanggapan ng Sub-station police kung kaya’t agad bumuo ng team sa pangunguna ni Sr. Insp. Francisco A. Vargas para sa ikadarakip sa suspek .

Kumilos ang mga awtoridad at may bitbit na warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Aurelio R. Ralar ng Caloocan Regional Trial Court – Branch 120 laban kay Callo at agad na pinuntahan ang nasabing lugar.

Habang iniaabot ang nasabing warrant of arrest sa suspek ay agad itong nagbunot ng kalibre .38 at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad, ngunit sa ilang saglit ay bumulagta si Callo matapos itong tamaan ng bala

Nakuha sa pinangyarihan ang ginamit na baril ng suspek na kalibre .38 na may limang bala.

Bilisan namang dinala ng mga awtoridad ang duguang si Callo sa nasabing pagamutan, ngunit idiniklara ng doctor ng MCU Hopsital na ito ay na-comatose. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply