Abogado patay sa aksidente

PATAY ang abugado matapos maaksidente ang kanyang kotse sa kahabaan ng Ortigas Avenue bandang 4:00 ng madaling-araw, Sabado, Marso 19.

Si Atty. J. “Jay” Conrado P. Castro ay bumangga sa isang puno na naging sanhi ng pagbaliktad ng kanyang kotse kung saan tumilapon ito palabas ng sasakyan.

Kaagad isinugod sa Cardinal Santos Medical Center ang abogado subalit doon na ito binawian ng buhay.

Ang abogado ay miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC). Siya ang kumakatawan ng Integrated Bar of the Philippines simula pa taong 2003. Nagtapos siya sa University of the Philippines at pumasa sa Bar taong 1985 na may gradong 83.015%. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply