Abuloy sa saklang patay kinukuha ni Meyor

LAGANAP daw sa kaharian ni Sta Maria, Bulacan Mayor Omeng Ramos ang saklang patay ng isang Eddie Salamin.

Tingnan ninyo ‘yang si Mayor Ramos, kahit na ma-raming nang kababayan niya ang nagrereklamo  ay nagtataingang kawali lamang ito.

Ang nakapagtataka rito,   pinapayagan nitong si Mayor Ramos ang saklang patay ni Eddie Salamin na mag-operate sa Sta Maria ng lantaran at nakahambalang pa sa kalsada.

Hindi ko sinasabing may “tongpats” si Mayor Ramos sa saklang patay ni Eddie.

Ang mga kababayan na lamang ni Mayor Ramos ang makapagsasabi niyan.

Basahin natin ang reklamo sa saklang patay ni Eddie Salamin na pinababayaan lang ni Mayor Ramos.

Gud pm, Mr. Magalona.

Laganap sa Sta.Maria, Bulacan  ang saklang patay lalo na ang kay Eddie Salamin. Pinapayagan naman ito ni Mayor Omeng Ramos dahil dito siya kumukuha ng pang-abuloy.

Sobrang kuripot kasi ng meyor naming ito. Takot dumukot ng pang-abuloy na galing sa bulsa niya.

Ultimong panggastos na lang sa kanyang nasasakupan ay hindi pa niya magawan ng ibang paraan nang hindi nanggagaling sa sugal.

Sana mailathala ninyo ang ang reklamo naming ito.

Sex trade sa club at sauna sa QC

Hindi pa rin tumitigil ang Queen Castle Disco sa Quezon Ave.,sa QC sa pangangalakal nito sa mga katawan ng kanilang mga babaeng nagtatrabaho sa kanilang club.

Maging ang sister company nito na Imperial Sauna Bath ay wala ring tigil ang ginagawang pakikipag-sex ng mga attendant sa mga parokyano nito.

Bakit hindi kumikilos si Mayor Herbert “Bistek”  Bautista para mapapadlak ang mga bahay-putahan?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com
Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply