Acid rain sa Pinas, di totoo — Pagasa

PINABULAANAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services ang umiikot na balita mula sa text messages na magkakaroon ng acid rain sa bansa bunsod umano ng radioactive clouds nang sumabog ang nuclear plant sa Japan.

Ayon sa PAGASA, walang basehan ang nasabing kumakalat na balita.

“Yung hangin galing sa Japan papalayo kaya di makakarating sa atin. Hindi totoo ang ulan may kasamang acid,” ayon kay PAGASA forecaster Aldczar Aurelio sa panayam sa dzBB.

Ayon sa naunang balita sa dzBB, kumakalat ngayon sa text messages na magkakaroon ng acid rain sa Pilipinas bunsod ng nuclear emergency sa Japan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply