‘Adobo’ at ‘kumusta’

MARAMING sikat na mga Pilipino na may lahing banyaga.

Fil-Ams kung tawagin ang marami sa kanila dahil karamihan ay lahing Amerikano ang halo pero meron ding ibang lahi gaya ng Filipino-Puertorican na si Bruno Mars at Filipino-British na si Charlie Green.

Hindi kasya ang kolum na ito kung papangalanan natin silang lahat na sikat sa buong mundo pero ilan sa kanila ang mga sumusunod: Enrique Iglesias, Lou Diamond-Phillips, Tia Carrere, Rob Scheneider, Nicole Scherzinger, Vanessa Hudgens, Allan Pineda-Lindo o si Apl.de.Ap, Dave Batista, ang mga Azkals, at marami pang iba.

Kailan lang ay may mga bagong usbong na mga batang film-makers na mga Fil-Ams din na nanalo sa nakaraang Oscars sa paggawa ng mga short films at ang bidang babae sa Oscar-acclaimed movie na True Grit na si Hailee Steinfeld ay sinasabing may dugong Filipino.

May mga mixed-blood din na sikat naman dito sa Pilipinas tulad nila Pilita Corrales at Jake Cuenca na Espanyol ang ama, sila Sam Milby at Gerard Anderson na Kano ang tatay, si Billy Crawford na British ang halong lahi, ang mga Fil-Am basketball greats at marami pang iba.

Ang tanong, mas Filipino ba sila o mas dugong banyaga? Ano ang nangingibabaw?

Marami sa kanila ang hayagang ipinagmamalaki ang kanilang dugong Pinoy kahit ang ilan ay “adobo” at “kumusta ka” lang ang alam na Pinoy na salita, lalo yung mga lumaki at sumikat na sa ibang bansa.

Pero gaano sa pagiging Pinoy nila ang nagdala sa kanila sa tugatog ng tagumpay. Para sa akin ay hindi na yun mahalaga.

May mga taong likas na may mga talento, sa pag-awit, sa pag-arte at sa sports. Sa ating mga Pinoy likas din ang pagiging achievers lalo kapag nasa international stage na.

Ang mahalaga ay maging mga inspirasyon ang mga kababayan nating mga tisoy at tisay. Halo man ang kanilang lahi, parehong magiging proud ang kanilang mga pinagmulang ugat dahil sa kanilang pambihirang galing.

At dahil sa kanilang katanyagan ay makakapagbigay sila ng pag-asa at inspirasyon sa lahat ng Pinoy dito man sa Pilipinas o maging sa buong mundo.

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon. –Ariel Enrile-Inton

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply