AFP pinaka-corrupt na govt agency — Pulse Asia

HALOS mayorya ng mga Filipino ang naniniwalang ang Armed Forces of the Philippine (AFP) ang pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno base sa pinakahuling Pulse Asia survey na inilabas ngayong Lunes, Marso 28.

Ayon sa survey ng Pulse Asia na nagsimula noong Pebrero hanggang Marso 6, 2011, 48.9 porsyento ng mga Pinoy ang naniniwalang ang military organization ang pinaka-corrupt na government agency sa kasalukuyan.

Ang nasabing resulta ay higit na malayo sa Pulse Asia survey na ginawa noong Pebrero 2009 na may resulta lamang na 8.1 bahagdan ng mga Filipinos ang nagsasabing corrupt ang Hukbong Sandatahan.

Sinundan naman ng Philippine National Police (PNP) ang AFP kung saan 26.6 porsyento ng mga Pinoy ang nagsasabing ito pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno habang 18.2% naman ang bumoto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Isinagawa ang survey sa kasagsagan ng congressional investigations hinggil sa kontrbersyal na plea-bargaining agreement na pinasok ni dating AFP Comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia, noong mabulgar ang multi-million pabaon scam na kinasasangkutan ng mga retired chief of staff ng AFP  sa panahon ng administrasyong Arroyo at noong mabuking ang umano’y mga anomalya ng mga dating high-ranking military officials base sa testimonya ni dating AFP Budget officer Lt. Col. George Rabusa at dating state auditor Heidi Mendoza.

Minsan nang nilinaw ng AFP at maging ng PNP ang mga anomalyang ito sa kanilang hanay at maituturing ng “thing of the past” dahil naganap umano ito noon pang nakalipas na dekada at nagwakas na raw noong 2005.

Samantala, pinalagan ni AFP spokesman B/Gen. Jose Mabanta ang resulta ng naturang survey. Sa katunayan aniya,  matagal nang natigil ang nasabing corruption sa loob ng military, partikular na ang pabaon scam. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply