Govt agencies inatasang makiisa sa ‘Earth Hour’

KINALAMPAG ng Malakanyang ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan maging ang mga government-controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GFIs) at local government units (LGUs) na makiisa sa Earth Hour.

Sa ipinalabas n a memorandum  ni Executive Sec. Jojo Ochoa, naatasan ang mga nasabing ahensya na aktibong makisali at magpatay din ng ilaw Sabado, Marso 26, mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Mahalaga aniya ang partisipasyon ng government agencies at LGUs para mapalawak ang kampanya laban sa global warming.

Tinawagan din ng pansin ng Malakanyang  ang mga nasabing opisyal at kawani ng gobyerno na mag-organisa ng sariling Earth Hour sa kanilang mga tahanan at komunidad.

Ipinag-utos din sa kanila na gumamit ng  iba’t-ibang communication channels gaya  ng mga official websites, community newsletters at blogs para maisulong ang Earth Hour.

Ang Earth Hour na nagsimula sa Australia noong 2007 ay isang oras na pagpapatay ng ilaw bilang bahagi ng pagtitipid ng enerhiya at pagpapakita ng suporta sa kampanya laban sa climate change. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply