AIR 21, SMB tuloy na ang trade deal

NATULOY na ang umuugong na trade noon sa pagitan ng Air21 Express at San Miguel Beermen. Ito ay matapos aprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang naturang trade deal na ayon sa kanya ay katanggap-tanggap naman sa bawat panig.

Mapupunta sa Air21 Express sina Danny Seigle, Dondon Hontiveros, Dorian Pena at Paul Artadi. Samantalang sina Rabel Al-Hussaini, Nonoy Baclao at Rey Guevarra naman ay mag-uuniporme na ng SMB.

Masasabing magiging title contender na ang Air21 dahil sa pagdating ng mga kamador na sina Seigle at Hontiveros. Ang SMB naman ay tila nagpapalakas pa lamang para sa susunod na mga conferences.

Ang mga natirang players ng Express ay sina Wynne Arboleda, Jay-R Reyes, Leo Avenido, Josh Urbistondo, Carlo Sharma, Wesley Gonzales at Reed Juntilla ay may kakayanang sungkitin ang titulo sa anumang season sa tulong ng mga bagong recruit nito sila Pena, Seigle, Artadi at Hontiveros. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply