Airlines takot lumapag sa Tokyo

ILANG dambuhalang mga airline company ay ayaw na lumapag sa Tokyo at Narita Airport bunsod sa crisis nuclear na mas malapit sa dalawang paliparan.

Ang Lufthansa Airline ng Germany at Alitalia Airline ng Italia ay inilipat na ang kanilang mga biyahe sa mga paliparan ng Osaka at Nagoya. Ito ay upang hindi maapektuhan ang kanilang operasyon sa naturang bansa.

Mananatili ang naturang rota hanggang katapusan ng linggo. Patuloy na dumadaan sa radiation scanning ang kanilang mga eroplano na galing sa bansang Japan.

“We are obviously testing planes for radiation, but nothing has been registered so far,” ayon sa opisyal ng isang airline.

Ang mga eroplano ng Estados Unidos ay hindi pa nagpapatupad ng katulad re-routing subalit kanilang sinusuri ang mga eroplano galing sa bansang hapon.

“No aircraft entering the United States today tested positive for radiation at
harmful levels,” pahayag ng isang opisyal.-Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply