Airstrike sa Libya sinimulan na

HINDI na napigilan pa ang international community na maglunsad ng airstrike sa Libya para ipatupad ang no-fly zone na binigyang mandato ng United Nations Security Council.

Lalong nagatungan ang galit ng world powers matapos napaulat na patuloy ang pambobomba ni Gadhafi sa mga raliyista kahit nagdeklara na ng ceasefire.

Suportado na ni US President Barack Obama ang military action subalit inihayag ng Pangulo na ang mamumuno ay ang Europe at Arab world habang supporting force lang ang Amerika.

Ang emergency summit sa Paris ang naging final signal kay Gadhafi.

Inihayag ni French Ambassador to UN Gerard Araud na ilang oras matapos ang summit na ito posibleng gagawin na ang airstrike sa Libya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply