Akusado sa Maguindanao massacre boluntaryong nagpabasa ng sakdal

NAGPRISINTA ang isang akusado sa Maguindanao massacre na basahan na siya ng sakdal dahil inaasahan niya na umano ang pagkaantala ng progreso sa naturang kaso.

Sa kanyang 2- pahinang manipestasyon na isinumite sa QC Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221, hiniling ni SPO2 Badawi Bakal na hindi na niya tinututulan ang hakbang ng prosekusyon na ma-arraign na ang lahat ng akusado.

Aniya, sa pagbasa ng sakdal, kung kailan mabibigyan ng pagkakataon ang isang akusado na mag-plea ng guilty o not guilty, ang magbubukas naman ng daan para talakayin ang merito ng kaso.

“That after realizing that his case will drag for so long if he will await for the resolution of his motion for reconsideration to the resolution of the panel of investigating prosecutors dated Feb. 5, 2010, accused SPO2 Badawi Bakal is manifesting to the honorable court that he is now willing to be arraigned,” ayon pa kay Bakal.

Dahil dito, pormal na umanong binabawi ni Bakal ang motion for reconsideration na nauna niyang naihain sa naturang korte.

Nais ni Bakal na mabasahan na siya ng sakdal sa umaga ng Marso 30, 2010.

Sa kasalukuyan, nasa 50 pa lamang sa 197 akusado ang nabasahan ng sakdal sa korte.

Kabilang si Bakal sa ilang pulis na ikinokonsidera ng prosekusyon na maaaring magamit na saksi.

Matatandaan na noong Setyembre 2010, pinagbigyan ni QC RTC Judge Jocelyn Solis Reyes ang kahilingan ng prosekusyon na maihiwalay ng kulungan at sa iba pang akusado si Bakal at 15 pang pulis na nakapiit sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply