Akusado sa Venson slay inapela ang pagkadawit

HINILING sa korte ng isa sa mga miyembro ng Dominguez carjacking group na muling pag-aralan ang pagkakadawit nito sa pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Naghain ng 20-pahinang mosyon sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 215 ang akusadong si Jayson Miranda, na kumukuwestiyun sa naging basehan ng pagkakadawit niya sa asunto.

Anang abogado ni Miranda na si Marc Terry Perez, dapat lamang na ibasura ang kaso laban sa kanyang kliyente dahil kung pag-aaralang maigi ng hukom ang kaso, madidiskubreng walang sapat na basehan para makasuhan ito ng carnapping at murder.

Inaresto si Miranda sa Quezon City noong Pebrero 10, 2011 kasama ng isa pang suspek na si Roger Dominguez, na sinasabing pinuno ng nabanggit na sindikato.

Nadakip sina Roger at Miranda nang labagin ng una ang batas trapiko sa Quezon City may ilang linggo na ang nakararaan.

Ayon pa kay Perez, alinsunod sa batas ay dapat umanong alamin muna ng hukom kung may sapat na batayan ang kaso bago ito maglabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado.

Tungkulin din nitong ipawalang-saysay ang kaso kung nakita niyang wala naman itong basehan, anito.

“The judge cannot rely entirely on the certification of the prosecutor without gravely abusing his discretion,” giit pa ni Atty. Perez.

Nakiusap din si Miranda sa korte na ipag-utos sa prosekusyon  ang pagsusumite ng lahat ng rekord ng isinagawang paunang imbestigasyon kaugnay ng kaso.

Inihirit pa ng akusado na harangin ang mga ebidensiyang aniya ay iligal na nakumpiska.

“To begin with, the apprehension of accused Miranda by the police on 10 February 2011 is highly illegal and unconstitutional,” dagdag ni Perez. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply