Al-Brega pinalibutan ng mga rebelde

POMOSISYON ang mga rebeldeng grupo palibot sa bayan ng al-Brega sa lalawigan ng Benghazi ayon sa report ng CNN.

Ang bayan ng al-Brega ay siyang may pinakamalaking oil-refinery at mga natural gas plant ng bansa.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi muna pinapasok ng mg rebelde ang mga mamamahayag sa lugar dahil magkakaroon umano ng idea ang grupo ng Gadhaffi kung papaano sila nakapuwesto.

Binantayan ng grupo ang patuloy sa pagkubkob ng mga tauhan ni Col. Gadhaffi sa mga mahahalagang lugar kabilang na ang mga oil-producing areas na dating hawak ng mga rebelde.

Sinasamantala ng rehimen ang paglusob sa iba’t ibang lugar dahil ang ibang mga bansa ay nakatutok sa pag-aayuda sa bansa sa Japan na sinalanta ng lindol at tsunami. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply