Alam mo ba ang mga bitaminang taglay ng paborito mong prutas?

MAHALAGANG malaman mo ito para maituro mo rin sa iyong mga anak.  Malaki ang naitutulong ng prutas sa araw-araw nating mga paggalaw.  Sa panahong ito na mahal ang gamot,  asahan mo na  katulong natin ito sa tuwi-tuwina ang prutas.  Lalo pa’t napapanahon ang biglaang pagkakasakit dahil sa pabag-bagong lagay ng panahon.

Hindi na rin kaila sa atin na maraming mga Pinoy ang health-concious. Marami na rin ang sumubok sa iba’t ibang mga gamot at supplements na sinasabing nakatutulong para pagamot o mapigilan ang pagkalat ng ilang mga sakit gaya ng cancer at iba pa.

Naririto ang ilang prutas na matatagpuan sa bansa maging ang ilan na mula sa ibang bansa na napatunayan nang nakagagamot sa ilang uri ng sakit.

Apple
Taglay ng apple ang antioxidants na tinatawag na flavonoids, na nakatutulong sa posibleng pagkakaroon ng diabetes at asthma. Itinuturing din na ‘natural mouth freshener’ at nakalilinis ng ngipin sa bawat kagat. Sa isang medium size, taglay nito ang 75 calories at 3 gfibre.

Alam mo ba na nasa balat ng apple nagmumula ang aroma ng prutas? Kaya para sa maximum flavor, huwag balatan ang apple bago kainin. Nasa balat nito ang itinatagong bitamina.

Avocado
Ang avocado ay may taglay na ‘healthy monounsaturated fats’ na tumutulong na pababain ang cholesterol levels kapag kinain sa halip na mapanganib na saturated fats. Para sa isang malusog na pagkain, gumamit ng avocado sa paborito mong sandwich kesa sa butter. Paborito ng babies ang avocado. Ang malambot, makremang texture nito ang dahilan kay madali silang pakainin nito. Nakatutulong sa kanilang mabilis na paglaki ang taglay nitong ‘high fat’. Taglay ng kalahating piraso ng avocado ang 114 calories at 4.5 g fibre, vitamin E at folate.

Saging

Sa 422 milligrams ng potassium bawat piraso ng saging, taglay ng prutas na ito ang higit pang potassium kesa sa ibang mga prutas. Nakatutulong sa pagpapababa ng blood pressure levels. “People with rubber latex allergies may also be allergic to bananas since the two come from similar trees and share a common protein,” ayon sa health experts. Ang isang katamtamang laki ng saging ay nagtataglay ng 105 calories, 3 g fibre, source of vitamin B6, potassium.

Grape
Bagama’t kokonti lamang ang produksiyon ng grapes sa bansa, nabibili ito anumang oras sa ating fruit stands. Bagama’t may kamahalan taglay ng ubas ang tinatawag na ‘resveratrol’, isang uri ng antioxidant na nakatutulong sa pagkakaroon ng heart disease. Ito ay nakapagpapababa sa blood pressure levels and at panganib ng pagkakaroon ng blood clots. Nakatutulong din na pigilan ng grapes ang pagkalat ng breast, stomach at colon cancer cells. “You can freeze red and green grapes and use them as colourful ice cubes in your favourite drinks. They add a special touch to sparkling water or champagne.” Ang kalahating tasa ng grapes ay nagtataglay ng 53 calories at mabuting source ng manganese.

Blackberry
Medyo sosyal ika nga ang prutas na ito dahil hindi rin ito masyadong tumutubo sa kalupaan ng bansa. Mabibilang lamang ang lalawigan na nakapagtatanim nito. Pero mabibili ito sa supermarkets.

Nakukuha ng blackberries ang kulay ube na kulay nito mula sa ‘powerful antioxidant anthocyanin’, na nakatutulong magpababa sa panganib ng stroke at cancer. Base sa pag-aaral ng ilang eksperto, nakatutulong ng malaki ang katas ng blackberry na mapigilan ang pagtubo ng lung cancer cells.

Alam mo ba na ang blackberries ay tinawag na “gout-berries” ng Ancient Greeks at ginagamit na panggamot sa mga sintomas ng pagkakaroon ng sakit na may kinalaman sa gout. Mayaman ito sa antioxidants.

Blueberry
Madalang din ang prutas na ito sa bansa pero nabibili sa supermarkets. Nangunguna ang Blueberries pagdating sa ‘antioxidant activity’ kumpara sa iba pang 60 sariwang prutas at mga gulay. Ayon sa pag-aaral, nakatutulong ang blueberries sa pagpapababa ng panganib sa pag-develop ng ‘age-related diseases’ gaya ng Parkinson’s at Alzheimer’s.

“Blueberries freeze very well. Here’s how: Rinse, then let berries dry in a single layer on towels. Freeze in a single layer on rimmed baking sheets. Seal in freezer-safe containers for up to one year. Use them straight from the freezer in your morning cereal, blend them into a smoothie or mix into pancake or muffin batter,” ayon sa health expert. Taglay ng 1/2 tasang blueberry ang 41 calories, at 1.5 g fibre.

Cherry
Taglay ng cherry ang higit pang ‘potent antioxidant anthocyanin’ kesa sa iba pang prutas. Ang anthocyanin ay nakatutulong na mabasawan ang pamamaga at panankit ng dulot ng arthritis o rayuma at gout. Ang maasim na cherries, ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng pie at jam, mas higit ang vitamin C kesa sa sweet cherries. Pero ayon sa experts, nawawala ito kapag iniinit.

Kiwifruit
Mabibilang ang nakakikilala sa Kiwifruit.  Ito ang prutas na sa biglang tingin ay tila chico sa kulay. Mabibili ito sa fruit stands. Taglay nito ang higit na bitamina kesa sa kahel o orange na nakatutulong sa pagpapatibay ng buto, ngipin at gilagid. “They can also help lower blood triglyceride levels (high triglycerides increase the risk of heart disease).

Karamihan sa kumakain nito ay binabalatan dahil sa gaspang ng balat. Pero ayon sa experts pwede itong kainin kasama ang balat basta’t hugasan lang ng mabuti. Taglay ng kiwifruit ang 56 calories, 3 g fibre at mabuting source ng Vitamin C at E, potassium at magnessium.

Papaya
Ito ay karaniwang prutas sa Pilipinas. Taglay nito ang ‘papain’, isang enzyme na nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain. Ang taglay nitong vitamin A ay nakatutulong sa pananatili ng makinis na balat. Alam mo ba na pwede ding kainin ang itim na balat ng papaya at itoý may maanghang na lasa. “Try blending them into salad dressing as a substitute for black pepper.” taglay nito ang 59n calories at 3 g fibre.  Linda Bohol

About Thor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>