Alitang Sarah Geronimo, Cristine Reyes expired na

SA WAKAS ay natuldukan na rin ang alitan nila Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Naganap ang nasabing pagbabati sa backstage ng ASAP Rocks , Linggo ng hapon, Marso 20 nang aksidenteng maiwan ni Sarah ang kanyang eye liner sa kanilang dressing room.

Ayon sa salaysay ni Sarah sa The Buzz, kung saan una itong naibalita, binalikan nila ang kanyang eye liner at tiyempong palabas si Cristine ay kanya itong tinawag.

Ayon sa Pop Star Princess, umiwas pa si Cristine pagkakita sa kanya kaya ang ginawa niya ay bigla niya itong niyakap ng bonggang-bongga, at yun na tapos na ang kanilang alitan.

Habang yakap nila ang isa’t isa ay humingi si Sarah ng paumanhin kay Cristine at wala siyang masamang intensyon (sa paglalabas ng kanyang side sa Yes Magazine ni Ms. Joan Maglipon).

Kuwento pa ni Sarah, teary-eyed sila kapwa ni Cristine sa naganap na yakapan.

Napakalakas ng loob ni Sarah, dahil sa kanyang ginawa ay maganda ang naging kinalabasan.

Sinabi ni Sarah na ginawa niya iyon upang wala nang iwasan sa pagitan nilang tatlo nila Rayver Cruz. Ang lalaking involve sa nasabing istorya.

Sa nasabing pagbabati din nagkaroon ng chance si Cristine na mag-sorry sa mommy ni Sarah na si Mommy Divine.

O di ba bongga?

Ika nga ni Kuya Boy Abunda, lahat ng di pagkakaunawaan ay may expiration date. At noong Linggo nga ay expired na ang alitang Sarah-Cristine.

Lesson learned sa kwentong ito, natutong tumanggap ng pagkakamali at humingi ng patawad sa isa’t isa ang mga sangkot sa storya.

Teka si Rayver, hindi natin narinig. Pero akoy na rin yun, period na ito. As in! Sana.

Sana yung ibang may alitan dyan, dumating na rin ang expiration date ng war-la nyo! Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply