Aljur Abrenica liligaw sana kay Kylie pero pinalayas ni Robin Padilla

BINUKING ng isang starlet na magdyowa na raw sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Masyado raw nabaitan si Aljur sa anak ni Robin Padilla kay niligawan niya ito.

By the way, nagwakas na nung isang gabi ang Machete at sinasabing malas si Aljur dahil hindi nag-rate ito kaya sinibak nang maaga. Paano naman kasi, si Aljur ang ibinenta kaya di mag-rate siya’ng pinagdiskitahang kesyo ganyan at ganito.

Ang dapat sisihin ay yung mga taga-GMA na binigyan ng dalawang starlet na malas si Aljur kaya siya sumemplang.

Di na naming tutukuyin kung sino ang dalawang starlet, basta di sila bagay kay Aljur. Kaya ayan, kahit na nang banding huli, itinambal pa si Aljur kay Kris Bernal, wala pa rin, tuloy ito sa pagsadsad.

Going back to Aljur, how true na pinalayas siya ni Robin Padilla nang magtangka itong dumalaw kay Kylie Padilla sa kanilang bahay. Alam daw kasi ni Robin ang mga kalokohan ni Aljur kaya di na ito pinapasok.

Okey lang daw kay Aljur who instead ay dumiretso na lang sa bahay ni Rich Asuncion na siya niyang GF sa tunay na buhay.

Namamangka sa dalawang ilog?

JAMES BLANCO, DI PUMAPATOL SA BAKLA

Noon pa pinagdududahan si James Blanco na alaga ng isang bakla. Pero siyempre, tsika lang ito at hindi napatunayan.

Duda ng ilan, si James Blanco ang napagkakamalang actor na alaga ng isang abugado. Kapanahon  at medyo hawig kasi sila kaya napagkamalan siguro si James na siya yun.

Anyway, tigas na pagtanggi ni James nang dumalo ito sa presscon ng Nagbabagang Bulaklak kamakailan lang. Isa si James sa mga bida nito.

“Wala po akong gay benefactor,” ito ang mariing pahayag ni James Blanco.

Nawala siya sa showbiz dahil nag-asawa siya’t nagkaroon sila ng negosyo.

“Nagtayo po kami ng parlor,” ani James. “Dati po, may kaunting lending kami, pero ang hirap po maningil. Kaya ngayon, lumalaki na po ang dalawang anak namin ng misis ko, kaya gusto ko pong mag-artista uli at mag-concentrate dito.”

Ano naman ang nabago sa kanya ngayon na may asawa na siya?

“Hindi na po mainitin ang ulo ko ngayon,” aniya.

Mabuti naman. Dahil kung mainitin pa ang ulo niya, baka hindi niya nagustuhan ang tanong namin tungkol sa gay benefactor. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply