Alternative fuel sa mga sasakyan iginiit

NANAWAGAN sa gobyerno ang alternative fuel advocates na tulungan sila sa maayos na pagpapatupad nito sa gitna ng tuloy-tuloy na paglobo ng presyo ng petroleum products sa mercado sa buong mundo.

Sa interview kay Ariel Torres, isa sa masugid na nagtutulak ng paggamit ng Electric motorbike bilang alternative fuel sa public utility vehicles nanawagan ito sa mga concerned government agency gaya ng Department of Transportation and Communications, Department of Environment and Natural Resources, Department of Trade and Industry, National Economic Development Authority, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bilisan ang pagproseso ng inspection at documentation ng mga programa sa ilalim ng Land Transportation Modernization Program kung saan itinutulak ang mga alternative fuel sa PUVs.

Sinabi ni Torres na sa kanilang karanasan, maraming driver at operator ng iba’t ibang PUVs ang gustong mag-shift gamit ang iba’t ibang alternative fuel para sa kanilang mga sasakyan lalo na ang electric.

Ayon kay Torres, sa kanilang mga interview sa iba’t ibang lugar ng bansa, maraming mga driver at operator ang gusto nang mag shift sa electric motorbike matapos maintindihan ang mga benepisyong makukuha sa paggamit ng electric car.

Aniya, bukod sa walang pollution ang electric vehicle, less maintenance din, madaling imaneho at mura pa. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply