Amb.Lopez: 42 OFWs sa Japan di dapat ideklarang nawawala

HINDI pa dapat ideklarang nawawala ang mga napaulat na listahan ng mga OFW , ito ang niliwanag ni Philippine Ambassador to Japan Manolo Lopez.

“Siguro hindi naman puwedeng sabihing missing baka hindi lamang mahanap. Kasi sa mga evacuation center, hindi naman pumupunta diyan lahat ang mga Pilipino na kababayan natin na napinsala. Ang iba ay baka lumipat sa neighbors nila o doon sa mga kaibigan. We cannot categorized that as missing now, malamang marami diyan baka kung saan-saan lang napunta,” pahayag ni Lopez.

Ipinahayag pa ni Ambassador Lopez na mas mahalaga na matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino roon. Dapat mapadala na sa madaling panahon ang mga relief goods sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan sa malakas na lindol at tsunami.

“Kaya humahanap kami ng paraan kung papaano madala kung sakaling dumating ito.

Pero ‘yong mga rescue team pinu-pullout ng ibang bansa ang mga rescue teams nila because of possible exposure to radiation. Kaya kung saka-sakaling ‘yong mga relief goods na lang siguro ang ipapadala,” dagdag pa ng ambassador. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply