Ambush sa S. Cotabato, 3 patay

TATLO katao ang patay habang isa ang sugatan makaraang ambusin ng mga grupong bandido ang convoy ng isang construction company sa South Cotabato.

Kinumpirma ni Lt. Col. Joel Alejandro Nacnac, commanding officer ng 27th Ifantry Battalion ng Phil. Army ang ambush incident sa convoy ng mga dump truck ng EVE construction na pag-aari ni Tampakan Mayor Leonardo Escobillo sa Brgy. Datal Biao, Tampakan, South Cotabato.

Ayon pa sa ulat, nakilala ang nasawi na sina Ocias Panisaña, driver; Romel Vega at Nelson Parakan, kapwa helper habang nasugatan naman si Elmer Magdula.

Tinatayang 10 mga armadong bandido umano na pinaniniwalaang miyembro ng Kapyon group ang nagpaulan ng bala sa nasabing convoy.

Kasalukuyang nagsasagawa ng pursuit operation ang 27th IB at Tampakan PNP sa mga salarin na agad namang tumakas palayo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply