America, France tumulong sa Japan nuke crisis

DAHIL sa tumitinding nuclear crisis sa bansang Japan ay magpapadala na ang mga bansang France at Amerika para maiwasan ang pinangangambahang nuclear meltdown.

Pinadala na nila ang dalawang nuclear experts ng France sa Fukushima para suriin ang Daiichi Nuclear Power Plant, ayon kay French President Nicolas Sarkozy.

Ang France ang siyang nangunguna sa paggamit ng nuclear power para matugunan ang kanilang pangangailangan sa enerhiya. Umaabot umano ito ng 75 porsiyento sa kanilang gamit ay galing sa mga nuclear reactors nila.

Ilang robots naman ang pinadala ng Amerika para tumulong kompunihin ang naturang power plant.

Samantala, nakatakdang bumisita sa Japan si President Sarkozy sa Huwebes, ika-31 ng Marso. Siya ang kauna-unahang lider ng isang bansa ng bibisita sa sinalatang Japan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply