Amerika inabot ng radiation

UMABOT na sa bansang Amerika ang radiation dulot ng nuclear plant makaraang masira ng nagdaang malakas na lindol at tsunami sa Japan.

Nabatid na kinumpirma ng Comprehensive Test Ban Treaty Organization sa Sacramento, California na na-detect na nila ang radiation sa naturang bansa.

Ipinahayag naman ng mga ito na ang naturang radiation ay hindi pa makaaapekto sa kalusugan ng mga residente roon

Matatandaang isinailalim sa state of emergency ang California makaraang mapinsala ito ng tsunami. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply