Amit, Rabola bigo sa Amway Cup sa Taipei

NABIGO sina Rubilen “Bingkay” Amit at Iris “The Figther” Ranola na makapasok sa knockout stage (Round-of-24) sa 2011 WPA Amway Cup sa Taipei, Taiwan nitong weekend.

Ang Mandaue, Cebu native na si Amit ang 2009 WPA World 10-ball champion at runner-up place sa 2007 edition sa nasabing event, at former US Open 9-ball finalists Ranola tubong Divisoria, Zamboanga ay nagposte ng similar 2-3 slates na naging dahilan para hindi makausad sa annual Asian Pocket Billiard Union (APBU) event at sanctioned ng World Pool-Billiard Association (WPA).

Sa day one pa lamang ay kinapos na si Amit sa kanyang group stages na may 2-3 record na nalagay sa kanya sa 4th place finish sa kanyang Group F. Ang soft-spoken Amit ay binokya ang local ace Shu-Han Chang, 7-0, at ungos kay Singaporean Shu-Wa Hoe, 7-6, subalit kinapos kontra kina South Korea’s Bo-Ra Jung,7-0,  Dou-Do Zhou , 7-6, at Sha-Sha Liu, 7-2, ng China.

Habang ang Amit’s fellow Filipino star, Ranola ay 2-3 record sa kanyang group. Panalo si Ranola kina Aussie Lyndal Hulley, 7-6, at Chinese Taipei’s Ya-Ting Chan, 7-4, subalit natalo kontra kina Chieh Yu-Chou ng host country, 7-1, Austria’s Jasmin Ouschan, 7-3, at Yun-Min Lim ng South Korea, 7-3, tungo sa fifth place sa Group B.

Samantala, walong manlalaro ang magtutuos sa quarter-finals sa pagitan nina Xiao Fang Fu (China) versus Hui-Shan Lai (Chinese-Taipei), Si Ming- Chen (China) versus Xiao Ting Pan (China), Allison Fisher (Great Britain) versus Jasmin Osuchan (Austria) at Yu Ram Cha (Korea) versus compatriot Ga Young Kim (Korea). Liberty Icao

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply