AMIN suportado ang pagpapaliban sa ARMM elections

SINUPORTAHAN ng Anak Mindanao (AMIN) partylist ang desisyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na ipagpaliban ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at isabay na lang sa national elections sa 2013.

Ayon kay dating AMIN Partylist Rep. Mujiv Hataman, ang pinakamahalagang isyu sa ARMM ay ang dagliang pag-reporma at hindi ang pagdebatehan kung dapat ituloy o ipagpaliban ang eleksyon sa August 25 ngayong taon.

“Nor it is an issue about real autonomy or democracy. After all everybody knows that what we have in ARMM is only token autonomy and a semblance of formal democracy,” paliwanag pa ni Hataman.

Ang planong pagpapaliban sa ARMM elections ay kasama sa LEDAC agenda.

Umaasa ang AMIN na ang sandigan ng desisyon ni PNoy na ipagpaliban ang eleksyon ay ang pagreporma dito at labanan ang korapsiyon.

“AMIN shares the wisdom of this political decision in the hope that it will provide answers to questions of timing and what is to be done in Reforming ARMM.” bigkas ni Hataman.

Paglilinaw pa ng AMIN na walang ilusyon ang partido na agad magkakaroon ng reporma subalit malaki aniya ang magagawa para isakatuparan ito sa pamamagitan ng “transitional period from now till the national elections in 2013 will provide the opportunity and timeframe for the setting up of mechanisms which will jumpstart the implementation of reforms in the ARMM,”sinabi pa ng dating kongresista.

Isa sa mga reporma na isinusulong ng AMIN ay ang paghahanda sa synchronized elections sa 2013.

Bukod dito, ayon kay Hataman, ang pinaka-ugat ng problema sa ARMM ay ang kawalan ng malinaw na lider o matatag na pamahalaan dahil simula pa noon ay pawang mga kamag-anak ng mga naunang umupo ang ngayon ay nasa posisyon pa rin at nagpapasalin-salin lamang kaya walang makatotohanang pagbabago na ninanais ng mga mamamayan nito.

Pangatlo ay ang pagnanasa ng partido na tuluyan nang mabuwag ang pribadong armies o mabura nang tuluyan ang “Warlordism” sa rehiyon. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply