Anak ng pulis binaril ang gf, sarili

KAPWA nasa bingit ng kamatayan ang magkasintahang estudyente ng Universidad de Manila (UDM) matapos mauwi sa pamamaril ang kanilang pagtatalo Sabado ng umaga, Marso 5, sa Lawton, Manila.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Mary Joy Pacheco,17, SK Chairman ng Kagitingan St.,Tondo Manila na isinugod sa Manila Doctors Hospital at si Judiel Lumbad,17, SK Kagawad at umano’y anak ng isang pulis sa Tondo, Maynila.

Sa pahayag ng mga kaklase ng mga biktima na sina Janel Leal,Reyna Roxas,Roma Romulo, pawang mga 1st Year Political Science students sa nasabing unibersidad, nagtalo umano ang magkasintahan sa Room 310 sa ikatlong palapag ng kanilang paaralan.

Ayon kay Roma, bigla na lamang pumasok si Lumbad sa kanilang kuwarto habang hinihintay ang kanilang guro.

“Nag-usap po silang dalawa tapos bigla silang nagtalo hanggang sa nagalit na si Judiel,” ayon pa kay Roma.

Napag-alaman na dalawang buwang buntis na si Pacheco at balak umano nitong ipa-abort ang kanyang dinadala na ikinagalit ng kanyang kasintahan (Judiel).

“Gusto po kasi ni Mary Joy na ipalaglag ‘yong pinagbubuntis niya pero ayaw po ni Judiel kaya nagalit po siya at binaril niya ito sa mukha,” pahayag naman ni Roxas.

Ayon pa sa mga testigo, tinutukan din sila ni Lumbad ng kanyang .38 kalibre ng baril.

Matapos ang pamamaril ay tumakbo umano palabas ng kuwarto si Lumbad saka nagbaril sa sarili.

Inoobserbahan sa pagamutan ang mga biktma. Si Pacheco ay nagtamo ng tama ng bala sa mukha habang sa sentido naman nagbaril si Lumbad.

Pansamantalang sinuspinde ang klase sa unibersidad dahil sa naganap na insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply