Ang ‘tatlong mukha’ ni Lacson

TATLONG mukha ng sarili ang natuklasan ni Sen. Panfilo Lacson sa mahigit isang taon nitong pagtatago matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Manila Regioal Trial Court hinggil sa kinasangkutang kasong double murder kina dating publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corvito.

Sa muling pagharap sa media Lunes ng umaga, sinabi ni Lacson na sa halip habulin ang lahat ng sumira at patuloy na naninira sa kanyang pagkatao, mas gugustuhin pa niyang idulog sa opinyon ng publiko ang kanyang kawalan ng kasalanan sa naturang krimen.

“Hindi pa ako nakakapag-decide kung ano ‘yung action kong gagawin kasi isang taong nagtago ka at nag-iisa ka maliban na lang sa mga kakilala, kaibigan, dati at bagong kaibigan na nag-aruga sa akin, maraming self-reflection na dumadaan sa pag-iisip mo,” aniya.

Nabago na umano ang kanyang mga naunang iniisip na kung ang tatanungin ang “lumang siya,” talagang hahabulin niya ang lahat ng sumira sa kanya. Ngunit napag-isipan ng senador na isantabi ang lumang pananaw niya.

“Alam mo, kamamatay lang ng aking mahal na ina at iniisip ko parati, ‘if I wished to be reunited with her when my times up, siguro dapat may mga dapat baguhin sa ating pag-iisip,’” aniya. “At sinasabi ko nga if it’s the old me na magsasalita baka sabihin talaga I should go after my detractors and my tormentors hammer and thong.”

Ngunit napag-isipan niya na patawarin na lamang at kalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya upang tapusin ang walang katapusan pakikibaka sa buhay  at napagtanto ang isa pang “siya” na siyang pinakamahusay na planong gagawin sa kaso.

“If it’s being ‘new me,’ sasabihin ko, forgive and forget,” wika ni Lacson.

Agad niyang idinagdag: “But there is another me that says I should prove before the bar of public opinions specially dun sa 15 million Filipinos who voted me into office, na ipaliwanag sa kanila yun aking innocence.”

“I’m more inclined to just forgive and forget. ‘Yun ang state of mind ko sa ngayon kasi wala nang katapusan struggle ito e,” aniya. “But I’m not saying na hindi ko gagawin kasi, siyempre, as I go on my with duties as senator for the rest of my terms ay may mga obligation din tayo na iniisip hindi lang sarili ko kundi sa mga kababayan din natin.”

Mahigit isang taon nang nakakalipas nang magtago si Lacson matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court alinsunod sa naturang kaso.

Lumantad siya ngayon, ayon kay Lacson, dahil wala na umanong sagkang ligal sa kanyang paglutang. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply