Ang 212

ANG bulung-bulungan noong gabi bago ang impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, sigurado daw ang party ni Pangulong Noynoy Aquino o ang Liberal Party (LP) ng 140 na boto para ma-approve ang resolusyon para sa impeachment ni Merci.

Sobrang saya siguro ng LP dahil 212 boto ang nag YES, 47 ang nag NO, at may 4 lang na sa kung anong kadahilanan ay hindi pumili ng kahit anong pwede nilang tindigan.

Madaling ipaliwanag kung bakit ang mga Kongresista gaya nila dating Pangulong Gloria Arroyo, mga anak na si Dato at Mikey, at bayaw na si Iggy ay nag NO. Mga friends daw kasi sila ni Merci. Kasama sa tropang NO ang mga kilalang oposisyon: Edcel Lagman, Mitos Magsaysay, Simeon Datumanong, Carlos Padilla, etc, etc.Si Mark Villar, anak ni Senador Manny Villar at artistang si Lany Mercado, asawa ni Senator Bong Revilla, ay abstain.

Ibang mga interesanteng personalidad tulad ni Imelda Marcos ay hindi ko nakita, absent si Pacquiao kasi nasa training, si Gina de Venecia, asawa ni dating Speaker Joe de Venecia, masayang-masayang nag Yes.

Maraming nagulat na si Boying Remulla, Deputy Majority Leader, ibig sabihin ay kaibigan ng administrasyon, ay nag NO. May mga usap-usapan na ang YES sa impeachment ay utos ni PNoy. May mga lumabas nga na text scares na pag NO daw ang boto ay walang pork barrel na matatanggap kaya baka maraming natakot. Maaaring ipinakita ng napakalaking boto para sa impeachment ang lakas ng LP ng administrasyon.  Maganda ba ito? Pagkatapos sa Kamara ay sa Senado naman.

Ang 212 na YES na boto ay pwedeng sabihin na nagkakaisa ang mga kaalyado ng administrasyon. Pwede rin na lahat ng ating mga Kongresista ay tunay na naniniwala na may kasalanan na dapat panagutan ang Ombudsman.

Pero kwidaw tayo, lalo kung iisipin ang banta daw ng “No vote, no pork” pwedeng isipin na niyuyurakan ang proseso ng demokrasya sa bansa.  Kung ano man ang basa natin sa overwhelming 212 votes sa Congress, tingnan natin ang Senado.

Sana ay magkaroon tayo ng independenteng Senado na magdedesisyon sa kaso ni Merci hindi dahil inutos sa kanila ng may kapangyarihan kundi ayon sa merito ng mga ebidensya at ayon sa diwa ng hustisya at demokrasya.

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply