Green Revolution dapat buhayin — Angara

UPANG matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa sa harap ng lumolobong presyo ng pagkain, hiniling ni Sen. Edgardo Angara kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na gumawa ng programang tulad ng Green Revolution ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“We have yet to see the current administration craft a coherent plan that will ensure the sufficiency of our food supply and the stability of food prices,” ayon kay Angara. “Mahigpit na kailangan natin ngayon ang bagong Green Revolution na mas episyente at mas maka-kapaligiran.”

Ilunsad ang Green Revolution 50 taon na ang nakakaraan sa termino ni Pangulong Marcos.

Aniya, may pangangailangang para sa ganitong programa ngayon dahil nararamdaman ng mundo ang kinahihinatnan ng kakapusan ng pamumuhunan sa agrikultura, tulad ng mababang produktibidad at mas mahigpit na suplay ng pagkain.

Mangyayari lamang ito, ayon pa kay Angara, kung itataas ng gobyerno ang pamuhunan sa pananaliksik sa agrikultura, pagpapaunlad, at paglilipat ng teknolohiya sa pang-matagalan.

Tinukoy pa ni Angara na kapos sa agriculture infrastructure ang ating magsasaka tulad ng sistema ng irigasyon at post-harvest networks.

Ang pinagsanib na badyet ng agrikultura at repormang agraryo para sa 2011 ay umaabot lamang sa P66 bilyon.

Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization, kailangang maglaan ng $200 bilyon kada taon sa agrikultura ang lahat ng bansa upang madoble ang produksiyon ng pagkain sa loob ng 40 taon.

Aniya, dapat hindi lamang itaas ang puhunan sa agrikultura kundi maglaan din ng pondo sa research and development, technological innovations tulad ng remote sensing, satellite imagery at higly efficient farming at breeding practices na magpapataas sa produksyon sa agrikultura.

“The agriculture sector demands renewed attention. Neglecting it further will only heighten our food insecurity. The administration must make food sufficiency its priority,” giit ni Angara. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply