Angelica Jones: Hindi ako magnanakaw at hindi ko nakarelasyon si Illac Diaz

KUNG saan-saan na napunta ang usaping love triangle among Illac Diaz, Julia Clarete at Laguna Board member Angelica Jones. Kung anik-anik ang napabalita pero ngayong nagsalita na si Angelica Jones, nakakapa ang tunay na pangyayari.

Nilinaw nang lahat ng Laguna board member na si Angelica Jones ang issues and controversies regarding her bottle school project with Illac Diaz, former actor and executive director of My Shelter Foundation.

Sinampahan daw niya ng Grave Oral Defamation case si Illac sa San Pablo City dahil sa diumano’y walang katotohanang pinagsasabi nito sa media na nakakasira sa kanyang pangalan at pagkatao.

Base sa kuwento ni Angelica, nagsimula raw ang lahat ng lapitan siya ni Illac para sa bottle school project.

“Nakiusap po sa akin si Illac Diaz, nagmakaawa, nanuyo at nakiusap sa akin na matatanggal daw ang kanyang proyekto sa Taguig dahil hindi sila magkasundo ng mayor, hindi sila magkasundo ng chairman,” pahayag ni Bokal Angelica.

Nakiusap daw sa kanya si Illac na kung maari ay maghanap siya ng site sa Laguna at humihingi ng tulong para maitatag ang bottle school. Aminado si Angelica na napakagandang project ang inihain sa kanya ng nasabing entrepreneur dahil ito ang kauna-kaunahang plastic bottle school in Asia kaya naman bilang first termer na board member ay gusto niyang makatulong sa kanyang mga kababayan at constituents.

Marami raw di nagustuhan si Angelica habang ginagawa nila ang proyekto. “Pero nanahimik na lang po ako at inisip ko na magandang proyekto ito para sa Laguna,” say ni Angelica.

Nagsimula ang project last October, 2010 at ikinagulat daw niya ang pagsasalita sa media ni Illac at kung anu-ano ang pinagsasabi against her.

Isa sa kinukuwestiyon ni Illac ay kung saan napunta ang pera at lahat ng nagastos sa project na nilinaw naman ni Angelica.

Ayon sa aktres/politician, up to this date ay hindi pa naglalabas ng pera ang city government. Ipinakita niya ang certificate mula sa Office of the Provincial Treasurer na pirmado ni Evelyn A. de Guzman, provincial treasurer na nagsasaad na nasa proseso pa ang financial assistance/counterpart para sa bottle project ng Dalubhasang Lungsod ng San Pablo (DLSP).

“Ni labor (expenses) nga, hindi siya nagbigay, abonado pa ako. Wala naman siyang ibinibigay, ang ibinigay lang niya is sponsor mula sa Pepsi, 100 thousand lang, ni hindi ko alam kung magkano ba ang ibinigay ng Pepsi, ni hindi ko nga alam kung magkano ang ibinigay ng Insular Life, ng ibang sponsors.

“Gusto ko pong linawin sa lahat na ni minsan ay hindi ako humawak ng pera, ni minsan, hindi ako humawak ng tseke, at wala akong pirma dahil ang city government ay may treasurer, ang provincial government ay may treasurer din po, ang office ng board members ay may treasurer. Kaya paano ako pagsasalitaan at pagbibintangan ni Illac nang wala siyang katibayan? Lahat ay kasinungalingan. Wala pong katotohanan ang pinalalabas niyang ninanakaw ko ang pera,”

Nakalagay din daw sa agreement nila na dapat ay P1.2M ang paunang perang ibibigay ni Illac pero ang ibinigay lang daw nito ay  600 thousand.

“Nagpadala po ako kay Illac ng report expenses kung magkano po ’yung mga nagastos ng ilang buwan, ipinakita po roon ang mga nagastos sa materials, lahat. At nakalagay po doon ’yung mga cement, labor, lahat.

“’Yung sinasabi sa report expenses, pera ko ang iba. Ako ang nag-abono sa pasuweldo sa labor, ako nag-abono ng mga volunteers na pinapakain, ako po ang nag-abono nu’n, hindi pera ng My Shelter, hindi pera ng panglalawigan. Dahil nakalagay po naman doon kung ano lang po ang nagastos galing sa My Shelter.”

Samantala, regarding naman sa involvement ni Julia Clarete na girlfriend ni Illac, nilinaw ni Angelica na hindi totoong nagkita sila ng aktres sa Laguna tulad ng napabalitang sinugod siya umano sa simbahan.
Totoo raw na kasama niya si Illac sa simbahan, galing sila ng Nagcarlan, Laguna at ito ay dahil nga sa proyekto, at pagkatapos ay sinamahan siya ni Illac sa church.

“Pero si Julia ay tumawag kay Illac, may pinagtatalunan sila na hindi ko po alam. Pumunta po si Julia ng Laguna pero wala pong kaguluhang nangyari. Hindi po kami nagkita ni Julia sa simbahan.”

Nilinaw din ni Angelica na wala silang naging relasyon ni Illac at lahat ng pagsasama nila ay para lang sa proyekto. Kilala na raw niya ang naturang dating aktor bago pa man siya naging board member ng Laguna.

“Sinabi ko rin po before na before naging board member ako, one year ago or two years ago, nagde-date po kami Illac. Before ’yon. Pero hindi po kami nagde-date habang ginagawa po namin  ang proyekto at hindi ko siya naging boyfriend. Wala po kaming pinag-uusapang kahit anong personal habang ginagawa naming ang proyekto.”

Isa pang klinaro ni Angelcia, wala siyang Twitter account. Hindi siya ang nagpo-post ng kung anu-anong mensahe sa nasabing social networking site at sinasabing boyfriend niya si Illac at kung ano-ano pang impormasyon tungkol sa personal lives nila ng business partner.

“Isa rin po ’yun sa nagpagulo. Lumabas kasi doon na may relasyon kami at nagde-date kami.”

Tungkol sa demanda niya kay Illac, ayon kay Angelica ay willing siyang iurong ang demanda basta’t bawiin lang daw nito ang mga kasinungalingang ibinibintang sa kanya. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply