Angeline Quinto alagang-alaga ng Dos: Sarah Geronimo insecure?

SA WAKAS ay natuloy na rin ang pangrap ni Angeline Quinto, ang kauna-unahang champion sa Star Power search for the female pop superstar ni Mega Star Sharon Cuneta.

Para sa mga hindi nakakaalam ay nakalaban na ni Angeline si Sarah Geronimo sa Star For A Night kung saan si Sarah ang tinanghal na kampeon at ang naging tulay din ni Sarah sa tinatamasang kasikatan ngayon.

Kumbaga noong panahon na iyon ay hindi pa oras ni Angeline para sumikat. In fairness naman sa mga nakalaban ni Sarah noon ay talagang magagaling din ang mga ito gaya ni May Flores, Musika, Mark Baustista at iba pa.

Talaga lang nakatadhana kay Sarah ang manalo noon at sumikat ng bongga.

Ngayon, oras naman ni Angeline, matapos niyang maiuwi ang korona bilang first female pop star ng Star Power.

Ilang beses na ring naibalita sa telebisyon ang magandang feedback sa debut album niAngeline. Napatumba na rin ng album na ito ang matibay na kapit ng album ni Willie Revillame na “I Love You” sa Astrovisions.

Dahil sa powerful ang boses ni Angeline at tipong biritera ito ay pilit itong ikinukumpira kay Sarah Geronimo na kapwa ni Angeline ay nasa bakuran rin ng Dos. Lalo na at nagkalaban na ang dalawang ito dati.

Di maiiwasang ikumpara ito hindi lang kay Sarah bagkus maging sa iba pang singers.

Pero siyempre may sagot na ang Pop Princess sa isyung ito, ayon sa kanya, mali ang kumakalat na tsismaks na ayaw niyang makasama sa Angeline sa isang production numbers. Sinabi ni Sarah na hindi siya komportableng parang pinagso-showdown sila ni Angeline.

Aminado rin si Sarah na hindi siya biritera (etchusera hehehe). Sinabi rin niya na magaling si Angeline ang dehins lang daw niya type ay ang pinagsasabong silang dalawa sa mga prod ng ASAP.

Di ba sa lahat naman ng karera, matira matibay. Kahit saan ay may kompetisyon. Pero Siyempre laging good girl ang anak ni Mommy Divine.

Mabalik kay Angeline, alagang-alaga siya ng Dos. Kung mapapansin ninyo ang dami niyang exposure sa iba’t ibang programa ng nasabing istasyon. Ang ang kanyang winning piece na “Patuloy Ang Pangarap” ay ginawa pang sound track ng bagong serye ng Dos na “Maria La Del Bario” nina Erich Gonzales at Enchong Dee.

Si Angeline din ang kumanta ng bagong summer staion ID ng Dos na unang inilabas sa ASAP Rocks noong Sunday, March 27. O di ba bongga?

Dahil sa madami na ang exposure ni Angeline at maganda ang feedback ng masa dito, threat na nga ba siya para kay  Sarah? Hindi naman siguro, kasi in fairness kay Sarah, humataw din ang pelikula nito with Gerald Anderson na “Catch Me I’m In Love.”

Ilang beses na ding nag-number one ang kanyang mga album. Napupuno din niya ang Araneta Coliseum at naging box office queen na din siya. Dahil sa mga ito, ay may napatunayan na rin naman siya.

Si Angeline naman ay nagsisimula pa lang. At sa tingin ko daserving din siya dahil hindi siya sumuko at ipinagpatuloy niya ang kanyang pangarap. Kahit pa natalo siya dati ay muli siyang sumubok at eto nga waging-wagi siya. Dapat lang na alagaan niya ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng “Itaas.”

Tingnan ninyo si Charice Pempengco, Luz Valdez din noon kay Sam Concepcion sa Little Big Superstar. Pero ngayon ay international singing sensation na.

Pana-panahon lang yan. Kaya sayo Angeline, magaling ka, keep up the good work at panatilihing nasa lupa ang mga paa para tumagal ka sa kinalalagyan mo ngayon. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply