Ang’k’in ng Road Master’s, kuminang

PINATUNAYAN ng NLEX Road Master’s ang pre-tournamant billing nang gibain ang Freego jeans sa unang pagsalang sa PBA D-League Foundation Cup na nilaro sa Far Eastern University Gym sa Nicanor Reyes Jr. St. sa Maynila.

Ang mga ex-varsitarians na nagpakitang gilas sa NCAA at UAAP competition na pawang mga dribblers ni coach Boyet Fernandez ay nagwagi sa Freego Jeans, 82-71 samantalang ang unang laro ng FCA Cultivators ay nakapagbuweno-mano kontra sa farm team na junior Powerade sa iskor na 89-74.

Tumabo sina JR Gerilla ng 17 at kumalawit ng 8 rebounds habang kumana sina Raffy Reyes ng 15 at 12 si June Dizon.

Ang ex-Stag power player na si Calvin Abueva ay nagbida sa Road Master’s habang ang dating PBA hustler na si Ogie Menor ay kumana ng 16 sa debut game ng NLEX.

Sasalang bukas, Huwebes, Marso 17 sa FilOil Flying V Arena ang Pharex Laboratories vs Blue Waters na susundan ng laro sa pagitan ng Cafe France at isa pang pre-tournament favorite na Cebuana Lhuillier Gems. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply