Heart Evangelista nasunugan; Annabelle Rama nag-celebrate

TINGNAN mo nga naman ang pagkakataon na naganap noong Sabado .

Nasunog ang bahay ng pamilya ni Heart Evangelista sa Carmona, Cavite. At noong araw ding ‘yun ay ginanap din ang  blessings ng Royale Artist Management, Inc., opisina na pag-aari ng dati niyang manager na si Annabelle Rama. Ang opisina ay matatagpuan sa 4th floor ng Imperial Palace sa Quezon City.

Nandoon  halos lahat ng alaga ni Tita A gaya ng kanyang mga anak na sina Ruffa, Richard, Raymond, Rocky, Elvis at Richie Paul Guttierez, Jay Manalo, Arci Muñoz, Carla Humphries, James Blanco, Beirwin Meily, JC de Vera, Danita Paner at  ang kanyang mister na si Eddie Gutierrez.  Nandoon din ang mga kaibigan niyang sina Daisy Romualdez, German Moreno at ang Regal matriach na si Mother Lily Monteverde. Nakita rin namin si Ms. Pilita Corrales at Ramon  Christopher.

Isa si Tita Annabelle  sa in demand at nirerespetong managers ngayon sa showbiz. Ayon sa kanya narating niya ang kinalalagyan niya ngayon dahil sa pagdarasal.

“Alam ninyo iba ‘yung pag nagdarasal ka, di ba? Everyday hinihiling mo ‘yan sa nasa Itaas na maging successful kang manager, ganoon ang ginagawa ko. At the same time alagaan mo naman talaga sila. Kasi pag ako nag-alaga ng talent parang anak ko na rin sila. Parang ahh…pinapa-feel ko sa kanila na importante sila sa akin, nagki-care ako sa kanila. Pag wala silang ginagawa sinasabihan ko sila na mag-workshop sila sa dancing, sa acting, para mas lalong ma-develop yung talents nila. At saka pag may problema sila, sinusumbong nila sa akin, talagang namang sino-solve ko agad,” sey ni Tita A.

Sina Michelle Madrigal at John Hall ay dalawa lang sa mga alaga ni Tita Annabel. Dating may relasyon ang dalawa pero ngayon ay hiwalay na sila.

Pabor at  natutuwa si Tita A sa nangyaring break-up nina Michelle at John.

“Siguro yung paghihiwalay nila, good for their career. Actually, ako natutuwa na naghiwalay sila e, para mas makapag-concentrate sila sa kanilang career.”

Nakikialam ba siya sa lovelife ng mga alaga niya?

“Hindi ako nakikialam sa lovelife nila,” tugon  niya. “Basta ang sa akin lang, on time sa set at hindi nambibitin ng shootings o tapings. At hindi pasaway.”

May pasaway ba naman sa mga alaga niya?

“Ahh…ayoko na lang banggitin ang pangalan, baka sumikat pa ‘yun. Pinapasa-Diyos ko na lang siya. Pero alam ko ‘yung mga walang utang na loob, kakarmahin talaga yan. Hindi natutulog ang Diyos.”

E sino naman ‘yung masasabi niyang mababait sa kanyang mga alaga?

“Halos lahat naman sila mababait. Halos lahat naman sila nakikinig sa akin, sa mga advice ko. Kita ninyo naman ‘yung lahat ng nakikinig sa akin, hindi nawawalan ng trabaho. Kasi alam naman nila na ako nandito lang para sa kanila.”

May paborito ba siya sa mga alaga niya?

“Wala! Lahat sila mahal ko. Pantay-pantay lang ang pagtingin ko sa kanilang lahat.”

Dahil sa dami ng talents ni Tita Annabelle na mahigit tatlumpo, aminado naman siya na nagkakaroon ng selosan o inggitan sa mga ito pagdating sa trabaho.

“Hindi naman nawawala yan. Iniisa-isa ko naman silang kinakausap na hindi mo pa time ngayon kaya maghintay-hintay ka,” sey pa niya.

Talbog!

-0o0-

BONGGA ang Luv en Laugh  nu’ng Sabado sa Zirkoh, Tomas Morato.

Tinitilian ang Nestea Boy na si Niel Coleta. Senyales na sisikat ang bagets. Ang galing niya at ang landi sa stage nang kantahin ang “Ngiti” at  “Beautiful In My Eyes.” Kahit ang kaibigang Jobert Sucaldito, pinuri siya dahil magaling itong mag-show.

Nararamdaman  talaga namin na ja-jackpot  na naman si Tita Becky Aguila sa bagets na ito dahil ang lakas ng karisma sa tao. Ang ganda rin ng feedback sa summer special niya para sa  iced tea commercial ni Neil Coleta na kung saan ay kasama niya si Jillian Ward. Gumanap siyang kapatid  ni Matinna. Cute ang TVC.

Sinundan  naman ni Duncan Ramos with Knights Band  na lalong nagpataas ng energy ng show. Galing na galing din kami  sa “Spain” version ng comebacking singer na si Arthur Pangilinan. Riot din na pumasok si Valerie Concepcion kina Jose Manalo  at Wally  Bayola. Gumiling-giling sila. Ginaya ni Jose si Willie.

Iba talaga pag may live band, buhay na buhay ang show!

Very promising din at  nag-enjoy kami  sa  performance  ng mga  front acts gaya ni Alexzies na  the show must go on dahil nag-perform pa rin kahit nakaburol ang kanyang tatay. Nandun din sina Mara Alberto, Jak Roberto, Lester Lucas, Sagjuan Band.

Applauded si Lemuel Santos sa medley song niya with band.  Sabi nga namin dapat kasama na siya sa main show sa susunod dahil  marami siyang napapabilib sa audience. Roldan Castro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply