Anong aral ang mapupulot sa bitayan?

TAPOS na ang lahat ng ating mga pagdarasal kay Bathala at pagsusumamo sa Tsina na luwagan nila ang parusang bitay na iginawad nila sa tatlong overseas Filipino worker.

Walang nagawa ang lahat sa naging desisyon ng pamahalaang Tsina na hindi patawarin o ibaba ang parusa nina Sally Ordinario- Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Makaraan silang hatulan sa huling mga sandali na nagkasala sa drug trafficking sa pagpapasok sa Tsina ng nasa 4-6 kilong heroin bawat isa, tuluyan na silang dinala sa bitayan.

Hindi na sila binigyan pa ng anomang pagkain at isinauli na rin ng mga awtoridad doon ang mga damit at kagamitan ng mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Sumunod ang katahimikan, lethal injection at ang pagpapadedesisyon sa mga pamilya kung iuuwi nilang mga abo o malamig na bangkay sina Sally, Ramon at Elizabeth.

God bless them all.

oOo

Wala tayong naramdaman kundi lungkot.

Sa kabila nito, naalaala natin noon si Kristo.

Kung binitay sina Sally sa iniksyong may lason, binitay naman si Kristo sa pamamagitan ng krus, pako at pagtusok sa dibdib.

Ating naramdaman na kung may mga napakahahalagang leksyon at mensahe noong binitay si Kristo, ganito rin sa pagbitay kina Sally.

Malinaw sa mga tagasunod ni Kristo ang mga leksyon at mensahe nito, pero kay Juan, ano-ano ang mga leksyon at mensahe ng kamatayan nina Sally?

Op kors, parehong pagbabago mula sa bulok na buhay ang isa sa mga leksyon at mensahe ng dalawang pangyayari.

Ang kamatayan din ang pinal na kalutasan ng napakaraming masalimuot na problema.

Pero ano-ano nga ba ang mga leksyon at mensahe mula sa kamatayan nina Sally, Elizabeth at Ramon, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply