Anong hokus-pokus ang ginawa sa itinayong motel?

BINATIKOS ng isang sim-bahan ang lokal na pama-halaan ng Quezon City sa pagiging “inutil” nito (sinabi niyo pa) sa pagbibigay ng pahintulot sa pagpapatayo ng isang motel sa tapat pa mismo ng naturang simbahan.

Ayon sa Apostolic Catholic Church, sa kabila ng kanilang mahigpit na pagtutol sa itinatayong motel, tila walang isinasagawang aksyon ang lokal na pamahalaan dito.

Sinabi ni Prof. Arsenio Organo, adviser ng Apostolic Church, ang itinatayong motel sa Edsa ay tapat lang ng kanilang sim-bahan at malinaw na paglabag sa Building Code of the Philippines. Ayon pa kay Organo, ang itinatayong motel, bukod sa lumabag sa building code dahil kalapit lang nito ang simbahan at dala-wang eskuwelahan sa bara-ngay, ay panganib din umano sa moralidad sa naturang barangay.

Sinabi pa nito na ang iti-natayong motel ay pag-aari ng NICE Motel na katapat lang ng simbahan ng Apostolic Catholic Church, QC Academy at San Francisco High School. Idinagdag pa ni Organo na ang concern la-mang nila ay ang isyu ng mo-ralidad at ang magiging epekto nito sa mga kabataan.

Mariin ding binatikos ni Organo ang Quezon City Hall Engineering Department at ang Business Permit Licensing Office dahil, sa kabila ng mga kilos protesta ng simbahan na “No to Motel,” ay patuloy ang ipinatatayong motel at hindi ito pinahinto.

Ang matindi pa rito ay bakit daw nakakuha ng permit ang motel sa Engineering Department  ng QC sa kabila ng paglabag nito sa Building Code of the Philippines sa pagiging katapat lamang ng simbahan at dalawang eskuwelahan.

Anong hokus-pokus ang ginawa ng  pamunuan ni QCMayor  Bistek Bautista?

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply