Anti-RH bill propaganda ng Ayala-Alabang ‘cheap’

KINONDENA ng iba’t ibang grupo na sumusuporta sa reproductive health bill (RH) ang anila’y “cheap propaganda” ng Barangay Ayala Alabang nang magpasa ng ordinansang lantarang pagbasura sa panukalang batas.

Daan-daang advocacy leaders ng mga non-government organization, community, youth, women at civil society group ang nagsama-sama upang tutulan ang ipinasa ng Brgy. Ayala-Alabang Ordinance No. 1, na tinawag na “An Ordinance providing for the Safety and Protection of the Unborn Child.”

Dumalo rin sina dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon at dating Health Secretary Esperanza Cabral, parehong residente ng nasabing barangay sa pagtitipon.

Nakapaloob sa ordinansa ang mahigpit na pagbabawal sa Barangay Ayala Alabang sa pagbebenta at paggamit ng lahat ng uri ng kontraseptibo sa loob ng barangay.

Ipinasa ito nina Brgy. Captain Alfred A. Xerez-Burgos Jr. at kaniyang konseho nitong buwan ng Enero.

Sinabi ni Elizabeth Angsioco, national chair ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), ang ordinansang ito ay lantarang pagkilos ng Catholic hierarchy upang igiit ang kanilang “religious dogma.”

Giit pa ni Angsioco na ito ay paglabag sa karapatan sa kalusugan, edukasyon, pribado at karapatan ng mag-asawa sa pagplano ng pamilya ng ginagarantiyahan sa kunstitusyon.

Nais ni Luis Sison ng Ayala-Alabang barangay council na layunin nila na maging modelo ng ibang barangay.

“This should not happen because lives of women are at stake here. What if like-minded officials of poor barangays follow suit?  The poor’s access to family planning programs, now already problematic, will get even worse,” pangamba pa ni Angsioco.

Binanggit pa nito na marami ng pag-aaral ang nagpapatunay na ang tamang pagpaplano ng pamilya ay nakababawas sa maternal mortality ng mga kababaihan ng hanggang 32 porsiyento.

“That translates to thousands of women’s lives saved,” ayon pa rin kay Angsioco. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply