Antipolo City warden sinibak na

RIZAL—pansamantalang tinanggal sa puwesto bilang jail warden ng Antipolo si J/Supt. Carolina Borinaga matapos ang naganap na jail crisis kahapon na nagresulta sa pagkakalipat ng 23 inmates sa Bicutan Jail.

Si Supt. Borinaga ay pinalitan ni J/Sr. Insp. Wilfredo Jalbuena na nanggaling sa Regional Office ng Bureau of Jail Management and Penology.

Sa panayam kay Jalbuena sinabi nito na balik na sa normal ang sitwasyon sa loob ng jail kung saan ang inmates ay maagang nagsagawa ng kanilang daily exercise.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ni JO1 Cleofas Encallado na naghahain sila ng panis na pagkain at mistulang kaning baboy dahil ayon sa kanya ay siya mismo ang namamalengke at kung ano ang kinakain ng personnel ay siya ring kinakain ng inmates.

Sinabi pa ni Encallado na P50 lamang ang budget ng bawat inmates sa maghapon at pinagkakasya lamang niya para makakain ng maayos ang mga ito.

Nabatid na ang Antipolo City Jail ay mayroong 740 inmates at mayroon P37,000 na budget sa pagkain kada araw.

Gayunman, sinabi ng isang jail personnel, na malapit sa katotohanan ang akusasyon ng inmates sa kanilang tinanggal na jail warden.

Itinanggi rin ng source na droga ang dahilan kung bakit hindi na nagpapapasok ng dalaw bago naganap ang krisis.

“Nararamdaman na kasi ni warden na nagagalit na ang inmates kaya, hinigpitan na niya at pinagbintangan ang over all mayores na nagbebenta ng droga sa loob”  ayon pa sa source. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply