AOL: 900 obrero ng AOL matatanggal

MAGTATANGGAL ng aabot sa 900 ng employado ang kompanyang AOL.

Tinatayang 200 maaalis sa trabaho sa content and technology departments sa U.S. habang nagmula naman ang 700 employado sa kanilang opisina sa India kung saan ito ang humahawak sa kanilang back-office support para sa Estados Unidos.

Ayon naman kay AOL spokesman Graham James, ang tatlong daang maaalis ay maililipat sa mga kompanyang nakakuha ng kanilang support functions.

Sa ngayon, umaabot na lamang sa 3,500 katao ang nagtratrabaho sa U.S. at 500 naman sa iba’t ibang bansa. Noong taong 2004,umabot ng 20,000 ang naging empleyado ng AOL. Subalit nang humiwalay ito sa Time Warner Inc. ay unti-unti na itong nagbawas ng mga tauhan.

Dekada 90 nang naging tanyag ang kompanya dahil sa pamamayagpag nila sa dial-up Internet access. Dahan-dahan itong bumulusok pababa dahil sa pagkakaroon ng cable at satellite internet na mas mabilis sa dating dial-up.

Sinubukan nitong piratahin ang Google executive na si Tim Armstrong para
patakbuhin ang AOL ngunit hindi pa rin ito nakaahon sa dating kinalalagyan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply