Apela ng 3 Indon drug trafficker ibinasura ng CA

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang apela ng tatlong Indonesian kaugnay sa kasong drug trafficking na unang dinesisyunan ng Pasay City Regional Trial Court, napag-alaman nitong Miyerkules.

Nagdesisyon na ang CA na guilty sa salang drug trafficking ang tatlong akusado na naaresto mahigit anim na taon na ang nakakaraan.

Ang tatlo ay nahulihan ng 10 gramo ng methamphetamine hydrochloride o “shabu” noong taong 2004.

Matapos ang isang taon, hinatulan ng guilty ang mga ito ng Pasay City Regional Trial Court. Sila ay pinagmumulta ng P500,000 bawat isa.

Ayon sa ruling ng CA, ang tatlong dayuhan na sina Herawaty Ng, Maimum Wagimin at Khoe Hong Gek ay tumanggi sa sala dahil hindi nila alam na droga pala ang dala nila.

Hindi ito kinatigan ng CA sa kadahilanang “invalid defense” ang salaysay ng mga nito. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply