Arbole bida sa Mindanao golf

NAKALIKOM si Art Arbole ng four-under-par 68 para lumamang ng lima sa Mindanao Regional Amateur Golf Championship na ginanap sa Del Monte Golf and Country Club sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Si Arbole, na nagsimulang nakabuntot kay ICTSI-The Country Club’s Zanie Boy Gialon, ay nakagawa ng five birdies kalaban ang isang bogey para sa seven-under 209 total pagkatapos ng third round.

Samantala, si Gialon, dating caddy sa Davao City, ay lumagpak sa second taglay ang 214 makaraan ang three-over 75.

Kasabay nito, si local bet Bannie Abano ay naghabol ng 72 para makapantay si Gialon habang si Raymund Jaraula ay humataw ng 77 para sa kabuuang 218 sa solo fourth spot. Remate Online

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply