Arci Muñoz, naburo sa Siyete, naging prinsesa sa Singko

KUNG sa presscon ng “Mga Nagbabagang Bulaklak” nagpatalbugan ng sayaw ang mga pangunahing tauhan sa nagbabagang dramaserye ng TV5 mas matitindi pa lalo ang magaganap sa pagsisimula nito sa Marso 21.

Isa rito si Arci Munoz na napaluha sa kagalakan dahil sa mga biyayang natatanggap niya sa TV5 sa tulong ng kanyang manager na si Annabelle Rama.

Kaya nama’y  maganda ang aura niya ngayon dahil late bloomer daw ang beauty niya. Kung anuman ang tinatamasa niya ngayon sa Kapatid network, ‘yun ay pinaghihirapan niya.

Si Arci ay isa sa dalawa sa pinakabagong primetime princesses big TV na binigyan ng pinakamalaking break sa pamamagitan ng naturang pinaka-provocative at maintrigang dramaserye na magsisimula na sa Marso 21, pagkatapos ng “Babaeng Hampaslupa.”

Gagampanan ang role ni Dahlia, na nangarap abutin ang kasikatan sa larangan ng showbiz bilang  show dancer, kasama ang kapatid na si Daisy na ginagampanan ni Ritz Azul, 4th placer sa “Star Factor”-reality based talent search ng TV5 last year.

Masisilayan ang alindog ni  Arci  na makipagtalbugan  kina Ritz, Carla Humphries at Valerie Concepcion sa paseksihan.

Pero para kay Arci, ayaw niyang matatawag na sexy star.

Mas feel na tawagin siyang sophisticated drama actress. Hanggang cleavage lang ang kaya niyang ipapakita.

Career move na rin kung kaya tinanggap niya ito dahil hindi naman bastos.

Hindi knows ni  Arci kung ano ang kanyang vital statistics pero tumitimbang siya ng 115 lbs (nais niya 110 lbs.) at 5’7” ang taas.

Yes, hindi retokado ang kanyang nagmumurang boobs. Naka-push-ups bra lang kaya malaki tingtnan, huh!

Kasama rin sina Ruffa Gutierrez, Richard Gomez, Phillip Salvador, James Blanco, Jay Aquitania, Sheryl Cruz, Jean Saburit, Victor Basa, Gabo (star hopeful ng Star Power- siya ang dahilan kung bakit nag-walk out si Annabelle Rama sa isa sa judging nights ng naturang show), Allan Paule, Mel Martinez, Rufa Mi,  Luningning, Milagring, Mariposa, sa direksyon ni Jon Red. Line produced ito ng Prime Events Force Unlimited, Inc.

OooO

Patuloy na tinatangkilik ng primetime viewers ang “The Baker King” ng GMA. Mula sa mga nakakakilig hanggang sa mga maiinit na tagpo ay nakakaugnay ang mga manonood sa kwento ng buhay ni Kim Tak Gu.

Ngayong linggo, panibagong mga pagsubok na naman ang darating kay Tak Gu. Una, naaksidente ang ama niyang si Conrad nang makikipagkita sana ito sa matagal nang
nawawalang ina ni Tak Gu.

Susundan pa ito ng kabiguan sa pag-ibig dahil makikita ni Tak Gu sina Matthew at Eula na magkasama sa isang pagtitipon.

At panghuli, muli na namang malalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil tatangkain siyang lasunin ni Matthew.

Kailan pa kaya matatapos ang kabiguan at masasalimuot na punto sa buhay ni Tak Gu? Kailan siya magiging matagumpay at masaya?

Ang “The Baker King” napapanood pagkatapos ng “I Heart You Pare” sa GMA. Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply