Ariza mananatili sa Team Pacquiao

BINIGYANG DIIN Miyerkules, Marso 2, ni trainer Freddie Roach na mananatili sa Team Pacquiao si strength at conditioning coach Alex Ariza sa kabila ng mga tsismis na pinatalsik na ito.

Katunayan ay lilipad na ito patungong Pilipinas para simulan ang pagtulong kay Pacquiao sa pagsasanay nito sa laban kay three-time champion Shane Mosley sa the MGM Grand sa Las Vegas sa May 7.

Una nang napaulat na nag-usap na sina Ariza at Pacquiao kung saan natuklasan na ayaw din ng Pambansang Kamao na mawala sa grupo ang kanyang conditioning coach.

Si Ariza ang tumulong kay Pacman para pabagsakin sina WBC lightweight champion David Diaz, Oscar De La Hoya at Ricky “The Hitman” Hatton. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply