ARMM pinatatantanan kay PNoy

HINILING ng isang senador kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na huwag diktahan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil binabalewala ng Palasyo ang awtonomiya sa lugar.

Sinabi ni Sen. Joker Arroyo kay Aquino na lubayan na ang ARMM upang maramdaman naman ng mamamayan sa rehiyon ang tunay na awtonomiya na layunin ng batas na lumikha dito.

“Bakit pinakikialaman ng national government? When would be the time when we leave them alone and be autonomous? Biruin mo, the Christian majority will tell the Muslim minority when their elections will be held,”paliwanag ng senador.

Mahigpit na itinutulak ng Palasyo na isuspinde ang halalan sa ARMM na mahigpit na tinutulan ng mamamayan, iba’t ibang sektor kabilang ang mga lokal na opisyal na siyang ipinupunto ni Sen. Ferdinan Marcos Jr.

Nais ng Palasyo na isabay sa mid-term election sa 2013 ang nakatakdang halalan sa Agosto sa ARMM saka magtalaga na lamang ng officer-in-charge sa halip na palitan ang mga nakaupong opisyal sa pamamagitan ng eleksiyon.

Ayon kay Arroyo, kung ipagpapaliban din lamang ng gobyerno ang eleksyon sa nasabing rehiyon, makabubuting baguhin na lamang ang letrang ‘A’ sa ARMM kung wala naman silang tunay na awtonomiya.

“Postponement of elections would be synonymous with no autonomy,” patutsada ng senador.

Mismong ang chairman ng senate committee on local government ay tutol sa panukala sa postponement ng eleksyon dahil ang ipinagpipilitan ng Malakanyang ay hindi naman sentiyimento ng mga naninirahan at lider ng autonomous region.

Binubuo ang  ARMM   ng lalawigan ng Basilan maliban ang Isabela City, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Marawi City.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply