Pagpaliban sa ARMM polls malabo sa Senado

MALAMIG ang pagtugon ng ilang senador sa panukalang ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto.

Sa magkakahiwalay na panayam, inihayag nina Senate Majority Leader Vicente Sotto III, Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sen. Juan Miguel Zubiri na kakapusin sa panahon ang Senado upang mahustong madinig ang panukalang ipagpaliban ang ARMM polls.

Ayon kay Sotto, hindi madaling magsagawa ng pagdinig sa panukala dahil bukod sa huling sesyon ngayon ng Senado, kailangan pang ibigay ito sa Senate committee on local governments, at committee on constitutional amendments, revision of codes and laws.

“Nasa kamay ngayon ng committee on local government ang bola,” ayon kay Sotto.

Iginiit din ni Marcos na mawawalan ng sapat na panahon ang komite na habulin ang deadline sa pagpasa ng panukalang ipagpaliban ang ARMM polls dahil magsisimula ang filing ng certificate of candidacy sa Mayo 2.

Kaya sinabi ni Marcos na pipilitin ng kanyang komite na magsagawa ng kaukulang pagdinig sa panukala kahit naka-break ang sesyon dahil lalamunin ng impeachment trial ang kanilang panahon sa pagbubukas ng Kongreso sa Mayo 9.

“So ang effect nun is that parang sinabi walang hindi nagkaroon ng public hearing dahil hindi isinama sa committee report. kaya’t to remedy that we have to conduct those same public hearings all over again so that we can say if the bill, when we bring it on the floor we conducted all due deliberations which included public hearings in the area in ARMM,” dagdag niya.

Bukod kina Sotto at Marcos, mahigpit na tinututulan din ang panukala nina Sen. Miriam Defensor-Santiago, Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Joker Arroyo sa paliwanag na labag sa Saligang Batas ang pagpapaliban sa halalan at pagtatalaga ng officer-in-charge hanggang 2013. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply