Arraignment sa magkapatid na Dominguez ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ang arraignment sana kaninang umaga ng Quezon City  Regional Trial Court sa magkapatid na Roger at Raymond Dominguez, kapwa itinuturong pangunahing suspek sa pagkarnap at pagpatay sa car dealer na si Venzon Evangelista.

Ito ay makaraang hilingin ni Atty. Willie Rivera, abogado ng iba pang akusado na sina Alfred Mendiola at Jayson Parulan na alisin na sa hanay ng mga suspek ang kanyang mga kliyente.

Nainis naman si QCRTC Branch 215 Judge Maria Luisa Padilla dahil sa ikatlong pagkakataon, hindi dumalo si Mendiola sa arraignment ng korte kahapon.

Pero ayon kay Rivera, nasa ospital ngayon si Mendiola kaya hindi nakapunta sa korte.

Bunsod nito, inatasan ni Judge Padilla si Atty. Rivera na magdala ng medical certificates sa susunod na pagdinig ng korte para mapatunayang may sakit nga siya.

Dumalo naman kanina sa arraignment  ang magkapatid na Dominguez.

Magugunitang natagpuan ang sunog na bangkay ni Venson Evangelista sa Barangay Buliran, Cabanatuan City noong Enero 2011 makaraang kardyakin ang kanyang sasakyan.

Itinakda ni Judge Padilla na muling busisiin ang kaso sa Abril 11, taong ito. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply