Articles of Impeachment nasa Senado na

PORMAL nang tinanggap ng Senado ang Articles of Impeachment na inaprubahan ng Mababang Kapulungan kamakailan na nagpapatalsik kay Ombudsman Merceditas Guitierrez hinggil sa “betrayal of public trust.”

Nitong Miyerkoles ng hapon, tinanggap ni Atty. Emma Lirio Reyes, secretary ng Senado at kaklase ni Gutierrez sa law scholl, ang kopya ng Articles of Impeachment na umabot sa mahigit isa’t kalahati hanggang dalawang piye ang taas na may mahigit isang libong pahina.

Pinangunahan ni Iloilo Rep. Neri Tupaz, chairman ng House committee on justice, ang pagsasampa ng Articles of Impeachment kabilang sina   Rep. Rodolfo Farinas, Rep. Erin Tanada, Rep. Neri Colmenares. Rep. Kaka Bag-Ao and Party List Rep. Teddy Casino kasama sina dating party list Rep. Riza Hontiveros and Renato Reyes, both complainants.

Tiwala si Tupaz na may sapat at malakas na ebidensiya ang Mababang Kapulungan upang mapatalsik si Gutierrez sa lahat ng anim na Article of Impeachment.

Bukod kay Tupas, makakasama nito bilang prosecutor o tagalitis sa Impeachment trial sina Fariñas at Tanada.

Nakatakdang dagdagan ng liderato ng Mababang Kapulungan ang bilang ng panel of prosecutors at kakalap sila ng pribadong prosecutor na tutulong sa paglilitis.

Kabilang din sa mahigit isang libong pahinang annexes na isinumite ng Mababang Kapulungan sa Senado ang committee report ng Blue Ribbon sa ilang anomalyang sumiklab sa nakaraang administrasyon kabilang ang NBN-ZTE scam, ang P780 million fertilizer scam, ang Euro Generals at ang Mega Pacific deal.

Samantala, inihayag naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi na kailangan pang pansamantalang magbitiw o mag-leave of absence si Gutierrez bilang Ombudsman  habang nililitis ang kaso nito ng Impeachment Court.

Nilinaw pa ni Enrile na hindi rin kailangang dumalo kada araw ng paglilitis si Gutierrez dahil karapatan nitong hindi dumalo o dumalo sa pagdinig ng kanyang kaso alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas dahil walang arraignment na mangyayari. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply