ASG tipsters tumanggap ng P3M

MISTULANG tumama sa lotto jackpot ang ilang residente sa Basilan nang tanggapin ang P3 million reward money mula sa United States government dahil sa pagsusuplong sa kinaroroonan ng isang kasapi ng Abu Sayyaf na nakatala sa US Pacific Command na wanted, buhay man o patay.

Ito ay ayon kay Army Col Randolf Cabangbang, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippine- Western Mindanao Command ay resulta sa pagkaka-neutralize kay ASG member Suhod Tanadjalin na responsable sa Dos  Palmas kidnapping at sa madugong Lamitan siege noong 2001.

Sa pahayag ni Cabangbang, isang deliberate direct action raid ang inilunsad ng Army 32nd Infantry Battalion at Special Operation Task Force Battalion  noong nakaraang buwan ng Pebrero sa bayan ng Tuburan sa lalawigan ng Basilan sa tulong ng ilang local civilians.

“Tanadjalin was a veteran member of the Basilan based ASG known to have been operating in Lamitan and Tuburan areas of Basilan. Tanadjalin was on a US PACOM DoD Rewards list offered at $70k USD (P3,026,800) for information that lead to his capture or death,” dagdag pa ni Cabangbang.

Nabatid pa na si Suhod Tanadjalin ay pinaghahanap sa napakaraming kaso ng kidnapping operations bukod pa sa isinagawang Dos Palmas kidnappings kung saan ay ilang banyaga ang naging biktima.

Sangkot din ang suspek sa tangkang bomb attact sa Basilan. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply