Australian national natagpuang patay sa apartelle

HUBO’T HUBAD at puro dugo at dumi nang matagpuang patay ang isang 66-anyos na Australian national sa kanyang tinutuluyang apartelle sa Ermita Maynila.

Kinilala ni MPD-P/Chief Insp.Armand Macaraeg ang biktima na si Frederick William Stewart, turista mula sa 35 Shields St. Cairns 4870 Australia at nanunuluyan sa Sandico Apartelle sa 1225 M. H. del Pilar St., Ermita, Manila.

Base sa report ni SPO3 Dave Tuazon ng Manila Police District-homicide section,  dakong alas-9:00 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa apartelle.

Ayon naman kay Tiza Fincion, 21, desk clerk ng nasabing apartelle, nag-check in umano ang biktima nuong Pebrero 13 at huli itong nakitang buhay bandang alas-11:00 ng gabi ng Miyerkules, Marso 2, nang hatiran ito ng kanyang pagkain.

Nang tanungin ng isa sa mga staff ng nasabing apartelle ang biktima kung kinakailangan ba umano nilang tumawag ng doktor dahil sa napansin nilang tila may sakit ito ay sumagot naman ang biktima na “I’m okay.”

Kinabukasan ay muling kinatok ng mga staff ang kuwarto ng biktima dahil hindi ito lumalabas ng kuwarto subalit hindi na ito sumasagot kaya ginamitan nila ito ng duplicate key.

Pagbungad nila sa kuwarto ay mabahong amoy ang tumambad kina Fincion na agad naman nilang ipinagbigay alam sa kanilang manager na siyang tumawag sa pulisya.

Sa kuwarto ng biktima ay nadiskubre rin na marami itong iniinom na gamot at may sakit na tuberculosis (TB).

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Harold Funeral, para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply