Avon lady nag-suicide nang awayin ng lover

HINIHINALANG “lovers’ quarrel” ang umano’y pinag-ugatan ng pagpapatiwakal ng isang magandang  empleyada ng Avon na natagpuang nakabigti  sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District,  nadiskubre ang bangkay ng biktimang  si Maricel Bandiola, 31, assistant manager ng Avon, sa kanilang bahay sa RSD Village-A,  Barangay UP Campus, Quezon City.

Bandang 9:30 ng gabi nang makita ang nakabigting biktima gamit ang nylon cord na itinali sa kisame ng bahay.

Ayon kay Alejandro Torrecampo, live-in partner ng biktima, kinabahan na siya nang walang sumasagot sa kanyang pagkatok sa pintuan ng kanilang bahay nang umuwi siya galing trabaho.

Dahil naka-lock ang pintuan, pinuwersa niya itong buksan at natambad sa kanya ang kalunos-lunos na anyo ng kinakasama.

Inamin ni Torrecampo na nagtalo silang dalawa bago naghiwalay umaga ng Miyerkules. Maliit na bagay lamang umano ang kanilang pinagtalunan. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply